Video with 1 note
You make me smile and actually mean it.
”How do you know just what to say
To make Everything alright?”
Post with 1 note
Panatang Makabayan…
Iniibig ko ang Pilipinas…
-Pagibig. Napakadaling bigkasin ngunit napakahirap panindigan.
Aking lupang sinilangan…
-Sa pinakamasikip na ospital-panganakan sa buong mundo ako isinilang, sa Josefa Fabella.
Oo, ito nga ang aking lupang sinilangan pero noong ika-siyam na taon ng dekada otsenta, sa edad na dalawang taong gulang, bumiyahe ang aking buong pamilya patungo sa “Kaharian” ng Bahrain at doon na ang ikinalakhang kabihasnan. Pinalad nga naman na nagkaroon ng simbahan at Paaralang PamPilipino doon na naging aking munting “Pilipinas” kahit na nasa ibayong dagat.
Tahanan ng aking lahi…
-Ang aking ama ay tubong Tarlac, samantala, ang aking ina naman ay isang Panggalatok ng Manaoag. Kamakailan lang narinig ko ang mga kuwento ng Lola ko tungkol sa hirap ng buhay noong panahon ng mga Hapon. Astig. Habang Ikinukwento ni “inang” , mistulang lumang black and white na pelikulang giyera and nagpapalabas sa sinehan ng aking imahinasyon.
Kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas,masipag at marangal…
- Bilang anak ng OFW sa na lumaki gitnang silangan. Noong kabataan ko , kung saan may Pilipino, para sa’akin iyon na ang Pilipinas. Isang sulyap sa bansang hindi ko pa lubos na nakikita at nakikilala ngunit lubos na ikinangungulila.
Dahil mahal ko ang Pilipinas..
- diskriminasyon. hindi na ito bago sa akin. Mahirap maging dayuhan, lalong-lalo na kung bata ka at kasalukuyang nananaliksik ng sariling pagkatao. Maraming bumagabag sa musmos kong isipan. “Dahil ba iba ang kulay ng aking balat, karapat dapat na akong kutyain at awayin?”. Naaalala ko ang una kong binulong ko sa sarili ko nung unang araw na nagbukas ang Philippine School (Bahrain); “sa wakas, pwede na akong mag-Tagalog araw-araw.” nasambit ng tahimik sa ilalim ng ngiting abot-tenga. Sa paaralan na iyon ko na pormal na nakilala ang aking lupang sinilangan.
Diringgin ko ang payong aking mga magulang..
- Palo. Belt. Beheyb. Hindi na ito bago sa tahanang Filipino. Maiba nga sa nauusong “grounded” na salita; Naabutan ko pa ang hapdi ng sinturon sa pwet ng batang pilyo. Nagpapasalamat ako, kahit na masakit, kasi palaging ipinaliliwanag ni Papa sa amin kung bakit kami napalo pagkatapos ng drama dapaan, paluan, at iyakan.
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan…
- Mahirap tumakas sa eskwela noon. Wala ka kasing mapupuntahan pag tumakas ka eh kaya nag-beheyb lang kami. *charing*
Tutuparin ko ang tungkuling isang mamamayang makabayan,
Naglilingkod,nagaaral at nagdarasal ng buong katapatan…
-Akala ko natutupad ko na ito noon araw-araw sa pag-awit ng pambansang awit, pagbigkas ng Panatang makabayan, at pagpunta namin sa simbahan ka’da Biyernes (Biyernes ang Weekend nila doon ) mas lalalim pa pala ito habang tumatagal hanggang sa pag-uwi ko sa Pinas para mag-kolehiyo.
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap,
pagsisikap,
Sa bansang Pilipinas.
-Oo, lumaki ako sa ibang bansa. Ako nga ay anak ng OFW, gaya ng libu-libong ibang kabataang Filipino pero naniniwala ako na may pangitain ang Panginoon para sa bawat isa. May dahilan kung bakit ako isinilang na Filipino. May dahilan kung bakit ako lumaki sa ibang bansa at nakasalamuha na sa ibang lahi. May dahilan kung bakit ako ipinalaki ng aking mga magulang na may paninindigan sa Diyos at may dahilan rin Siya kung bakit tuwing ibinibigkas ko ang huling mga salita ng “Panatang Makabayan” ay may kakaibang kurot sa aking puso at Lukso sa aking dugo.
Ayaw kong gawing piñata ang panatang ito. Hindi ko ito inaangat araw-araw,mula sa aking mga bibig,mula pagkabata para lamang hambalusin at basagin. Kung Pilipino ka at minsan na sa iyong tanang-buhay ay nasambit mo ang mga dakilang katagang ito: “Iniibig ko ang Pilipinas”, dalangin kong ipagdasal mo sa Diyos mo kung bakit ka nga ipinanganak na Pilipino.
Photo reblogged from Home Designing with 303 notes
Things we’re loving today: Casual Comfort Furniture by Kenneth Cobonpue
Source: trendir.com
Photoset reblogged from Mister Avid Draws with 97 notes
I grew up reading Marvel comics and watching Anime. When it comes to drawing people, I used to just draw Caucasian features- tall builds, high noses, colored hair & fair skin, Anime style is not so different from this (they don’t really look Japanese, we just associate it with them). It was much later when I realized that I should learn to draw Filipino faces. After all, I am Filipino & we are so under represented, even in our own media. So it would be nice to see more Pinoy faces in our mainstream art : )
Source: misteravid
Photo with 3 notes
“drawing in Sanity” [the meaning is in how you read it]
compiled 2 old drawings:
“de lata” and “madonna and jam”
Photo with 11 notes
my sister posted this screen cap of her and mama’s conversation. :)
translation:
mama: It’s good if you guys (her offspring) diet.
maria: we’ve already started fixing our diet.
mama: I’ll cut down your food allowance (kidding ofcourse..)
maria: no ma.. :)
Video with 1 note
inosente lang ang nagtataka (only the innocent will wonder) :)
Quote with 4 notes
SMX-MOA, here we come!!
Thanks so much for the support guys! We made 2nd in the race for “People’s choice” award. :) anyways, it was a great effort! Godbless you all!!
Photo with 7 notes
Lost in translation :) starring my younger bro (Tamerass.tumblr.com) and li’l sis (checkm8ten.tumblr.com)
edited this for my sister. translated (here’s a peso,go buy yourself someone to talk to…)
check out her tumblr, http://checkm8ten.tumblr.com/


It’s my li’l sisters big game this friday. She’s the point-guard for Saint Louis University’s women’s basketball team. My brothers, Emmanuel and Samuel were jokin’ about the banners we’d hold up on friday. Here’s a comic-strip of our conversation. enjoy!
Page 1 of 3